Wednesday, August 26, 2009

Super Thank You! Aylabit.

Maraming salamat sa Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa pagkilala sa Nang Magsimulang Managalog si Koya bilang pinakamahusay na blog entry para sa unang Timpalak Blog ng unibersidad (2009). Ang entry ay nagkamit ng Unang Gantimpala na iginawad noong Agosto 26, sa Escaler Hall, Ateneo de Manila LS Campus.

Ang nasabing blogpost ay hinusgahan ni Prof. Yol Jamendang (ang pangunahing awtor ng Tunay na Lalake), isa pang propesor at isang doktor ng Araling Pilipino mula sa Kagawaran.

Maraming salamat sa aking mga guro, kina Bb. Pamela Cruz at G. Aristotle Atienza na naging gabay sa aking pagsulat. Gayundin sa mga kaibigan, kaklase, at kay Papa God. Super thank you!

Sana'y nakatulong ang blogpost sa pagpapalalim ng ating pag-unawa sa wikang Filipino.

No comments:

Post a Comment