Thursday, July 30, 2009

Nang Magsimulang Managalog si Koya

Nang Magsimulang Managalog si Koya
Ang Wikang Filipino, Daluyan ng Damdamin, sa Harap ng Pagbabago
Unang Gantimpala, Timpalak Blog 2009

Pamantasang Ateneo de Manila

Tandang-tanda ko pa noon, siguro'y Grade 6 pa lang ako, laging kong sinisikap na umuwi ng maaga galing sa skwela. Tago sa ilan, ngunit naging isa ako sa mga milyung-milyong taga-subaybay ng Meteor Ga
rden. Nanganib pa nga ang aking reputasyon bilang boy-astig sa mga kaibigan kong siga.

Classmate na siga: Pare, mukhang nagmamadali ka ah.
Ako: Oo, pare eh. Hinahanap na ako ng nanay ko.

Classmate: Ah, ganon ba. Sayang naman.
Ako: Baket tsong? May susugurin ba tayo?
Classmate: Dehins pre. Gusto ko lang sanang magki
pagkwentuhan.
Ako: *lunok ng laway* *huwag po koya,
malalate na ako sa palabas*
Ako: Tungkol saan ba to? May problema ka ba?
Classmate: Pare, naiinlove na ata ako kay San Chai.
Ako: Ay p*tangina.

Wag po Koya. Plis.

Natutuwa ako sa sarili ko tuwing naaalala ko ang ilang mga eksena mula sa palabas, lalo na ang kulitan ng mga magsing-irog na sina Dao Ming Zhu at San Chai. Siga kasi 'tong si pareng Dao, kaya lagi niyang kinukulit si San Chai para makuha ang atensyon nito. Marami siyang ginawa, kabilang ang paglalagay ng paputok sa harap ng babae, pagbuhos ng tubig, pagsira sa sasakyan, pagpapahabol sa bus, at kung anu-ano pang kawirduhan na naging "fever" sa aming munting school. Nakakatakot ang effect. May isa akong kaklaseng naglagay ng watusi sa pwet (sa upuan) ng crush niya; meron pang isang nagbuhos ng C2; may nagbasag ng bote sa gulong ng bike; at mayroon ring isa na humabol ng rumaragasang traysikel para lang sabihing "Uy, ang cute mo" sa minamahal niya. Saan ka pa?

Maraming bagay ang nagpahumaling sa sambayanan noon sa kanila. At lumago pa ang pagkahumaling na ito noong dumating ang F4 sa Pilipinas, kasama sina Barbie Xu (San Chai) at kanyang kapatid. Libu-libo ang naki-tsungchangching sa kanilang concert. Kung hindi ako nagkakamali, napaiyak pa nga ang ilan sa sobrang saya nang makita ang mga idolo. Kasama na roon ang kaklase kong siga, dahil 'di umano'y nasulyapan siya ni San Chai. Naks.

Ngunit kung ako ang tatanungin, may isang mahalagang elemento sa Meteor Garden, bukod sa mainam na pagganap, killer looks, at plot, na naging susi upang sumikat ito ng todo - ang pagsasaere nito ng may dub sa Filipino. Ang kasalukuyang pagkahumaling sa mga AsiaNovela (na ngayon ay sinusubaybayan kahit subtitles na lang ang paraan para maintindihan ang palabas) ay epekto ng inisyal na paglabas ng Meteor Garden na nagsasalita gamit ang wikang alam ng masa. Hindi magiging buo ang pagiging tagasunod ng isang foreign artist kung kakausapin ka niya sa kanyang inang wika. Tingnan natin ang mangyayari kung wala ang elemento ng ating wika. Panoorin ang unang minuto ng video.

Vic Zhou: Halo, Halo, Halo. Fans: AAAAAAAAAAAAAAAAAA (*Kilig to the Max*)

Mahalaga ang nagiging papel ng wika para sa ating mga kapatid na dayuhan upang makakonekta sila sa ating mga Pilipino. Bukod sa F4, maraming ng mga foreign artists ang nagsadya sa Pilipinas na may baong kaunti at kadalasa'y baluktot na Filipino. Nariyan sina Thalia (Mahal ko kaaayo), David Archuleta at David Cook (Mahhal kow kayeew), Fall Out Boy (Mehal Kow Kayow), Christina Aguilera (Mahal namiy ikayoh, Manila), Nicole Scherzinger (Mahal ko Ka-yo), at maraming marami pang iba. Gumagamit rin ng Filipino ang mga banyagang personalidad tulad ng Santo Papa at mga ambassador. At isisingit ko na rin ang taong ito:

Oha. Nainlove ka ano?

Pare, seseryosohin ko 'to ng bahagya. Hindi ito napag-uusapan overnight kasabay ng bote ng beer at mga sexy chicks e. Nakatutuwang isipin na kapag naririnig nating lumalabas sa bibig ng ating idolo ang pilit (at pilipit) na "Mahal Ko Kayo" o anupamang mensahe sa Filipino, lumulukso ang damdamin nating mga Pilipino. Napapangiti ang ilan; ang iba nama'y nangingisay sa kilig. Ito ay dahil may damdamin ang wika, at ang paggamit sa wika bilang pagpaparamdam ng emosyon ay napakaepektibo. Tinatapik nito ang kolektibong kamalayan (thank you, Mr. R. Tolentino) ng Pilipino bilang isang kulturang may malalim na pagpapahalaga sa pagmamahal. Mahalagang bigyang-pansin ang papel ng wika, lalo na sa paggamit ng Filipino ng mga international personalities, upang lubos na maunawaan at mailarawan ang ating pambansang personalidad. Uhuh.

Ngunit ang function ng wika bilang daluyan ng damdamin ay nahaharap sa maraming hamon at pagbabago. Dati-rati'y madaling malaman ang sinseridad ng isang dayuhang artist sa paghahayag ng sarili sa Filipino. Tandang-tanda ko pa ang makailang-ulit na kwento ng aking tita-lola tungkol sa pag-awit ni Nat King Cole, isang sikat na singer ("When I Fall in Love", "Mona Lisa"), ng "Dahil sa 'Yo" sa Araneta noong 1961. Damang -dama raw niya ang init ng pagmamahal ni Cole sa mga manonood na Pilipino, na nag-effort na matutunan ang kanta isang araw bago magtanghal. Feeling ko kinikilig si lola, yung tipong mapapataas pa yung isang leg na kilig. Pero sa panahon ngayon, oo't marami pa rin ang nakadarama ng pagmamahal mula sa mga artist na nagtatagalog, ngunit mahirap ng paghiwalayin ang pagfi-Filipino bilang tunay na pagmamahal sa mga tagahanga, at pagfi-Filipino bilang gimik lamang upang bumenta. Nahaharap, kung minsan, sa krisis ang papel ng wika dahil sa mga ganitong pagkakataon - mga pagkakataon kung saan umiiral na ang pwersang komersyalismo. Kumbaga, nagiging "tagline" ang paggamit ng ating wika, na kung titingnang mabuti, ito ay may bahid ng intensyong labas sa pagiging daluyan ng damdamin.

Kaugnay nito, malungkot isipin na adverse rin kung minsan ang epekto ng pagiging commercialized ng wika. Dahil tayo ay mga tagahanga - at precisely dahil tayo ay humahanga - mas nagkakaroon ng motivation ang ilan sa atin na i-pursue ang language ng dayuhang idolo. Ito ang nagbigay-buhay sa maraming Pilipinong nagpapakadalubhasang mag-Hapon, Korean, at Ingles. Sa iba, nagiging kapalit ng paghanga ang paglalaan ng panahon upang matutunan ang dilang-banyaga. Dito, ayon sa ilan, nagiging "full circle" ang pagcocomercialize ng wika - ang total na pagkabihag ng damdamin ng tagahanga na nag-uudyok sa kanya upang yakapin ang kultura ng idolo. Sa katotohanan, marami ang porma ng ganitong pagkabihag, hindi lamang sa pag-aadapt ng ibang wika.

Tulad nito.

Nakalulungkot na dahil market lang ang tingin ng karamihan sa mga promoters sa Pilipinas, ang pagbabago ng ating wika tungo sa pormang nakakabighani ng dayuhan ay madalas hindi naisasakatuparan. Dagdag pa rito, mababa pa nga ang tingin ng iba sa ating wika, dahil 'di umano, ito raw ang wika ng "masa" - isang masang mahirap, ang pambansang personalidad ng Pilipinas. Ang Filipino, kapag ginamit ngayon bilang pagpapahayag ng wagas na damdamin, ay malamang na makatanggap ng "baduy" bilang sagot.

Sana'y mayroon tayong mapulot mula sa pagninilay na 'to. Ang Filipino ay daluyan ng mga ideya at damdamin, gaya ng ibang wika. Ngunit sa pagharap sa hamon ng komersyalismo, nalulusaw ang gayong esensya ng wikang ito sa atin. Ang magandang gawin? Balikan ang naunang eksena. Damhin ang himig ng pagpapahayag ng damdamin sa sariling wika. Hindi naman masama 'di ba? Mainam na balikan ang original essence ng ating wika. Kung para rin lang sa Pilipino, mahalagang pansinin natin na ang tunay na tulay ng mundo sa ating mga puso ay ang damdaming nakapaloob sa ating wika, hindi ang makabago't commercialized na pananagalog, hindi ang fandom, hindi ang appeal o porma. Ang Filipino, sa harap ng pagbabago, ay mananatiling Filipino, ang duyan ng damdamin ng ating lahi. At walang anumang F4 sa mundo ang maaring makapagpapabago noon.


Pambansang Anatomy

Nakakatuwa talaga ang mga sports writers. (Isa akong sports writer, hehehe). Noong una kong makita sa dyaryo ang pangalang Manny Pacquiao, unang pumasok sa isip ko ang nickname niyang "The Destroyer" na ginamit niya bago pa man mabinyagan bilang "Pacman". Nakakatuwa naman, sabi ko, kung ako bilang sports writer ay pwedeng ring magbigay ng nicknames.

Pero nag-iba ang tingin ko sa pagbibigay ng nicknames noong una siyang tinawag na "Pambansang Kamao".

Oha.

Weird yung dating sa akin. Parang, hindi lang siya kamao ng katawan niya, kamao rin siya ng buong Pilipinas. Ang deep pero astig mehn. Ikaw ang kamao ng bansa. Naisip ko, sana ako rin mayroong ganitong nickname. Tipong isa ka ring parte ng pambansang anatomy. Parang ang laki-laki at ang lakas-lakas ng body part mo na iyon. At dahil represented mo ang Pilipinas, gg na lahat ng kalaban mo kapag ginamit mo na ang iyong pambansang body part. Sige nga. Ano bang body part ang pwede sa akin?

"Si Gian, ang pambansang eyebags." o "ang pambansang poknat."

Wag na nga. &%$#!

Anyway, narito ang ilang taong deserving na mapabilang sa pambansang anatomy:


Pambansang Boobs - Gloria Macapagal-Arroyo

*Boom Boom Boom...*

Actually, andaming pagpipilian sa kategoryang ito: andyan sina Madam Auring, Mystica, Joyce Jimenez, Christine Reyes, Misa Campo, RR Enriquez, Ehra Madrigal, Bentong, Kim Chiu (hindi dahil sa sheer na laki, kundi sa sheer na kawalan nito), at yung isa kong room mate.

Pero kung mayroon mang
mag-fifit sa definition ng "pambansa", si GMA na siguro yun, and her incredible breast implants. Nabigla ako, tulad ng sambayang Pilipino, noong malaman kong mayroon pala siyang tinatagong yaman. Asteeg. May basis naman pala ang balitang maganda ang sex life ng pangulo. Kaso, kahit anong breast implant ang ilagay sa kanya, mas malaki pa rin ang boobs ng kanyang asawa.

Pambansang Legs - Mar Roxas


Anak, ako na ang papadyak. Bagal mo e.

Tulad ng pambansang boobs, marami ring contender sa pambansang legs. Andyan sina Francine Prieto, Anne Curtis, Diana Meneses, Ysabel Legaspi (si Legs), ang Wowowee girls, Kim Chiu, at yung balbonic legs ng isa ko pang room mate.

Pero aanhin mo ang magandang legs kung hindi ka naman marunong pumadyak? Tumba lahat ng mga legs ninyo kay Mar Roxas, ang pambansang legs. Dahil sobrang astig ng legs niya, kaya niyang pumadyak ng pedicab para sa buong bayan! Oha, san ka pa? Pero ewan:

Bata: Gusto ko pong... blablabla....
Mar: Anak, itabi mo, ako na.
Bata: *smiles, full of hope*
Mar: Lampas na tayo.


Deserving rin si Mar ng pambansang bibig title, along with Digs Dilangalen, Chiz Escudero, Miriam Defensor Santiago, and Claudine Barreto. Ay p*tangina.

Pambansang **** - Hayden Kho

Kahit na contender rin yung isa ko pang room mate para rito, alam naman nating lahat kung sino ang mananalo.

Nuff said.





Hi! Nice to meet you. Pakiss nga.

"Gian, Gian, tara may sasabihin ako sa iyo," bulong ng isang kaibigang lalaki.

"K."

Tumigil ako sandali sa trabaho, at kahit stressed, nakahakbang ako malapit sa kanya.

"Anong problema?" sabi ko.

"Pare..."

Nabigla ako. Mukhang matindi ang problema nito. Kung hindi ako nagkakamali, kanina pa siya hindi mapakali. Namumuo ang butil-butil na pawis sa noo. Namumutla, parang nakakita ng multo.

"O, tsong okay ka lang?"

"Pare, sasabog na ata tong dala ko"

Napalunok ako. Bigla akong nataranta.

"Uh... Uh... Alin ang sasabog?"

Ay mali.

"AY, ano bang problema?"

"Tsong..."

Sobra-sobra ang kaba ko. Parang nalipat sa akin ang takot na nararamdaman niya. Ayokong malaman ang problema. Hindi ko kakayanin. May nagawa kaya akong mali sa kanya? Anong mayroon? Huminga ako ng malalim. Dahan-dahang nagsalita, takot na masabugan, este, marinig ang dinaramdam ng kaibigan.

"W-wh-what?"

Lumingon siya sa akin. Nakatitig diresto sa aking mga mata.

"I love you."

asdhsvdfhkdyfjfhHUWAGPOKOYAiaugsfjhdshzshgasfsadlkfn

aaaaaaaaaaaaa

Hi. Welcome sa blog na ito. Dito ko napagpasiyahang ibahagi ang aking mundo - isang mundong malay ko kung ano. Ako nga pala si Gian. Mahilig ako sa gera. Mahilig rin ako sa pusa. Mahilig ako sa pagkain. Mahilig ako. Ikaw?