Saturday, January 8, 2011

'Wag po Koya: Pic of the Day

Dahil ang tunay na pag-ibig ay parang zombie noong Undas - ayaw mamatay.

Wednesday, January 5, 2011

Ang Pagbabalik

Matapos ang lagpas isang taon ng pag-iwas sa mga eksenang nakaka-"wag po ahuhuhuzzz", nakatutuwang isiping may mga manaka-naka pa ring bumibisita sa munting blog na ito. Kung naghahanap kayo ng litrato ng mga sinumpang nilalang o napadaan lang talaga, maraming salamat. Halatang wala kayong magawa.

Aaminin ko. Sinungaling ako. Sabi ko isang linggo lang ako mawawala, pero matapos ang isang taon, bata pa rin si Naruto sa huling post ko dito. Sa mga taong puti na ang mata kanonood ng pagsayaw ni Alodia, the drought is near its end (oha). Hindi na si Alodia ang sasayaw, si Willie naman, sabay putukan kantahan. Osyet. Feeling ko totopakin na naman ako ulit at magsusulat sa blog na ito. Ayan na. Ayan na. Ayp*tangina.


"Talaga? Babalik ka na?"

Oo, baklita ka maghintay ka.

Abangan ang bagbabalik. Soon.