Friday, August 28, 2009

Parang ang Sarap Manapak Today

Dalawang araw matapos kong pilipitin ang utong ng kaibigan ko (na halos pumutok na) dahil sa magagandang nangyari ngayong Linggo, bigla akong natauhan. Lahat ng mga serotonin, endorphin, at dopamine na nasa katawan ko (at kung ano pa mang likidong nagpapasaya sa akin) ay para kong inihi sa isang arinola, sabay tapon sa unang tao kong makita.




Ang dami pa lang depressants sa mundo. Hindi ko napaghandaan. Hindi ko inaasahan. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang sarap na lang manapak ng tao isang araw. Ang sarap mang-sadista. Ang sarap lumapit sa isang tao tapos putukan sapakin mo na lang bigla. Mood swing na kung mood swing, pero eto ang storya.

Hindi na rewarding ang pagsali ko sa org ko, ang org, na inaakala kong magbibigay ng saya sa akin. Hindi ko na hawak ang major subject ko para sa course ko, na inaashan kong magiging isa sa mga forte ko. Hindi na ako makaramdam, lalo na 'pag kasama ko ang mga kaklase kong may kanya-kanyang lovelife. Hindi na ako makareact, dahil sa sobrang daming trabaho, na pati Sunday e kain. Hindi ko na kilala ang sarili ko; parang hindi na ako tao. Parang... hindi naman ito ang buhay na plinano ko.

Kaya nga ba ang sarap kumain ng kumain minsan, (kahit sa Obento). Kaya nga ba masarap makipagdaldalan ng non-sense minsan. Kaya nga ba ang sarap mangurot ng utong (ng lalaki). Kailangan kong matauhan - dahil nawawala na ang pagkatao ko. Hay, buhay nga naman.


Ayoko nang lumaklak ng stress na para bang puro p*tanginang school na lang ang inaatupag ko. Minsan na akong nagkamali noong High School dahil dito, pero hindi pa rin ako natututo. Ang hirap magbalance - ang sarap sana kung hawak mo oras mo eh. Kaso ano ang hawak ko? (Hindi et*ts ko, ok?) WALA. Hawak ko lang ang option kung ano ang uunahin kong trabaho.

Oh, well. Ano bang magagawa ko? Friends, labas tayo. Libre ninyo ko.

Putik. Sana may chicks na pumasok sa room ko ngayon...

Hahanapin ko muna ang aking mojo. Baka hindi muna makapag-blog. Magboblog lang muli matapos makakita ng happiness.

No comments:

Post a Comment