Monday, August 24, 2009

Ode to Obento

Dear Nanay,

Grabe talaga ang experience ko dito sa Ateneo. Dahil walang makain na medyo swak sa budget, naghanap ako ng mga stalls na tigsi-sixty lang ang binebentang pagkain. Mayroon akong nakitang stall, Obento ata ang pangalan. Marami silang tigsi-sixty na pagkain kaya naisipan kong doon bumili.

Magugulat ka, nanay, kapag nakita mo si Mamang Obento. Naawa ako sa itlog na kasama sa inorder kong "Ala Pobre" beef. Naabuso ito ng todo. Pagkabasag nito sa grill ni Mamang Obento, wala itong habas na pinagsasasaksak, pinagiikot-ikot, at pinagpapatong-patong sa iba pang ginahasang itlog.

At ang karneng mukhang pinagtasahan ng Mongol, maniwala ka inay, parang yung mga sosy na beef na pinapaliguan ng alak sa TV. Kaso hindi alak ang pinapaligo sa baka, kundi mantika't toyo - nag-uumapaw na toyo. Toyo na nagpapaitim sa maitim nang karne.

Dinagdag ni Manong ang isang tasang kanin na kinulayan para suportahan si Cory. Sinaksak ito, kasabay ng sabog-sabog na itlog at gisang-gisang ginisang karne. At doon nagawa ang Ala Pobre - ang pagkaing pampobre. Masarap naman to, kahit alam kong tone-tonelada ang vetchin at toyong pinalaman ko sa tyan ko.

Narito ang isang blogpost na aking irerepost dahil sa value nito sa society.

Top 3 — Mukhang Taeng Pagkain Sa Ateneo Caf Na Kakainin Mo Dahil Mura

Mula sa malistya.wordpress.com

Kung hindi ka conyong babaeng sanay lang sa ispageti na pinaliguan ng alak, palibasa’y nakaranas ka na ng tinatawag nilang ‘tag hirap’. Buti nalang may mga pagkaing pantaghirap ang mga kainan sa Ateneo. Mukhang kadiri nga, nakakabusog naman. Tingnan:

1.
Ang Ala Pobre ng Obento

Pangalan palang tumpak na! Pampobreng meal! Pagmasdan ang karneng mukhang uod na gumagapang sa itlog; at ang itlog, mukhang halimaw na pinatay ng GhostBusters nung 1980’s, nung uso pa sila.

2.
Ang Salisbury Steak ng Nagbebenta Ng Milo at Iced Tea sa Kanto ng Caf


P65 ata itong meal na ‘to, pero may kasama nang iced tea! May nagsabi na ba sa inyo na hindi malusog ang Burger Steak ng Jollibee? Wala yun dito!!! Itong Salisbury Steak ng Ateneo Caf, kalahati ng laman e sibuyas lang! Ito lang din ang isa sa mga steak na hindi kailangan ng kutsilyo para kainin, para kasing giniling na binuhusan ng pandikit ni Elmer. Oo na, kadiri na nga, pero san ka pa? May libreng iced tea eh.

3.
CPA ng Obento


Undisputable ang kaharian ng Obento sa pagbebenta ng pagkaing mukhang inaamag na, ngunit nakakabusog parin. Tawag nila dito’y CPA, Chicken Pork Adobo raw. Paborito ko ‘to, sa totoo lang. Mahirap na hindi magutom kapag nakita si Manong Obento na sinasaksak at pinapalipad-lipad ang kanin at sahog sa kanyang malupit na frying ewan.


Mula dito ang orihinal na post. Maraming salamat.


No comments:

Post a Comment