Sunday, September 13, 2009

Pagkabaon sa Stone Age

*sniff* Ano nang nangyari sa wagpokoya? Grrrrrr. *sniff*


Pasensya na sa mga readers na inamag na ang mga mata kahihintay ng bagong post. Er, para sa mga nagtatanong ng bakit, meron pong phenomenon sa buhay ng mga college students na kung tawagin ay HELLWEEK. Oo, Hella-licious, finger-lickin' hellweek. Nayari ang inyong abang lingkod ng rumaragasang avalanche ng batshit, kaya napabayaan ang blog ng maraming araw. Asahan ang pagdagsa ng mga post by the end of this week.

End of this week pa?!?!?!

OO. P*tangina.

Samantala, hayaan ninyo munang paliguan ko kayo ng walang hanggang kaligayahan sa isang presentasyon ng maalat na pagsasayaw.

Thursday, September 3, 2009

MMDA: Para sa mga Taong Ubod ng Tigas ang Ulo


Maraming salamat sa mga taong akala nila'y sila si Moses at ginagawang Red Sea ang mga kalapit na highway sa pag-inspire sa mga walang magawang digital artist para gawin ang imaheng ito. Apir.

'Wag po Koya: Pic of the Day

Dahil ang tunay na pag-ibig ay parehong mukhang babae at lalake.

SNSD's Yuri: Shit Ba't ba ang Hot Niya, Potek


Maraming salamat kina Toto, Luigi, Angelo, ang Rm. 615 sa pagpapakilala sa 'kin sa SNSD. Gayundin sa Soshified Subs para sa video.

Wednesday, September 2, 2009

Mamamatay na Ako: Ang Pangwawagpokoya kay Koya at ang Litanya ng mga Kababalaghan sa Rm. 604

Wahuhuhu.

Hindi ko talaga alam kung anong kasalanan ang ginawa ko't binigyan ako ni Papa God ng isang matinding hamon. As in SUPAH MEGA CHALLENGE na mas mahirap pa sa trial na pinagdadaanan ngayon ng mga taong nagleak ang mga baol ng sex video - itinabi ako ng kapalaran sa best room mate in the universe. Mahaba ang storya ng p*tanginang pangwawagpokoya niya sa akin. 'Pag nakikita ko siya ay namimilipit na ang pwet ko dahil alam ko, sa ilang sandali lamang, ay maari niyang gawin ang alin sa mga sumusunod:
  • Kakausapin ang sarili niya, in English.
  • Hihingi ng P5 sa akin (na parang kolektor sa simbahan o konduktor sa bus) para may ipang vendo machine; kung walang makuha sa akin, kukulitin yung isa kong nananahimik na room mate.
  • Magdadabog bigla.
  • Sisigaw na parang nagpa-Primal Roar. Ang battle cry niya ay "AAAAHHH, fkciasjkhafskjdfkjjasdsaayawasdasdf."
  • Hihiram ng gamit.
  • Hahablutin ang pagkain na nasa teybol mo ng walang paalam. Tapos mag-tetenkyu. Pag walang ready-to-eat na pagkain sa teybol mo, hahanapin kahit anong pwedeng ipalaman sa pantog niya. Best example: kinain niya ang nakaimbak na 1-year old Cream-O ng dati kong room mate.
  • Magpapacheck ng papel. O homework.
Typical study time
  • Manood ng American TV shows na pagkalakas-lakas ng volume na para bang may cork sa tenga niya.
  • Kakanta ng mga kanta sa musical. O anupamang kanta na makakatawag ng mga kaluluwa sa purgatoryo.
  • Magbibihis sa harap mo. As in sa harap mo. Tapos, yung pinagbihisan niya, iiwan kung saan siya nagbihis (brief included). Rarampa siya sa room at sa corridor ng kung minsa'y brief lamang ang suot. Once instance, bumisita ang pamilya sa dorm. Nakita siya ng tatay ko na natutulog na nakabrief lamang. Sa shock at sobrang takot, pinawisan si 'tay. Sabay sabi sa kapatid kong babae, "WAG KANG PUMUNTA DITO. DYAN KA LANG. HINDI PAMBATA TO."
  • Although mas makalat ako sa kanya, pangit pa rin na nakakalat ang gamit na brief sa sahig. Jackpot pa 'pag naapakan mo. Boom.
  • Hihiram ng laptop para mag-Internet. O makiki-games. Pero mamatay siya ng paulit-ulit na mapipikon ka na dahil sasabihin niya sa iyong ang pangit ng keyboard mo kaya siya namatay.
  • Tatanungin ka ng how's your day. Pagkasagot mo tulog na siya.
  • Matutulog mula mga 4 hanggang 6 o 7pm. Tapos gising siya mula 7pm hanggang 5am. Sa panahong iyon, hindi niya papatayin ang ilaw, hindi niya papatayin ang laptop, at hindi siya aalis sa kama niya para mag-aral sa ibang lugar. (Sa lahat ng nagtatanong kung bakit malalim ang eyebags ko, hindi iyon dahil sa masipag akong mag-aral. Eto na ang sagot ninyo.). Kung maabutan ka niyang buhay pa sa mga panahong ito, magpapagising pa sa siya sa iyo.
Buti sana kung pusa lang gumawa nito sa harap mo e.
  • Magmamast*rbate. Seryoso pare, as in Vitamin J overdose. At pagkatapos niyang gawin iyon (sa pag-aakalang hindi mo siya nakita), hahawakan ka niya sa balikat at kakamustahin ka. Fine-fertilize niya ako at ang aking mga room mates halos araw-araw. Ay p*tangina.
  • Magpopost ng reminder sa kanyang cork board at sa dress cabinet, karaniwan ay tungkol sa mga academic duties. Pero may isang reminder akong nabasa, ang nakasulat ay "Stop doing IT (at most 3X a week for a month)." Kung ano man yung IT na iyon na dapat ay limitahan niya lamang sa tatlong beses kada linggo ay SIGURADO akong HINDI niya natutupad. Um.
  • Kung room mate kita at wala ka sa room, maari kang mawalan ng bolpen, pencil, kaunting barya, gunting, glue, atbp. Kung hindi mo pa alam kung saan iyon napunta kapag hinalughog mo na ang lahat, sisipain kita.
  • Magpapadeliver ng pagkain tapos aalis ng room. Pagkadating ng delivery, ikaw pa sisingilin.
  • Hihimasin ang balikat mo gamit ang kanyang extra large hands ng walang matinong dahilan. (Matakot ka 'pag galing siya ng kama, *wink*).
Yan ay ilan lamang sa mga challenges na hinaharap ko araw-araw, na nagpapawagpokoya sa akin. Hindi ko rin sigurado kung bakit humihinga pa ako ngayon, pero isang bagay ang sigurado ko - mamamatay ako ng may shit sa balikat ko. Ang room mate ko na ito ay siya ring magiging daan ko patungong langit - kapag nasurvive ng kahit sinong tao ang trial na ito ay idedeklara agad na santo. As in patron saint of oozing patience.

Wanna change rooms with me, anyone? Ayaw mo bang maging instant saint?

(Para sa mga hindi kinayanan ang mga kagila-gilalas na pinagdadaanan ni Koya, panoorin ninyo na lang ito upang sumaya ulit kayo.)

Tala: Ginagawa ko ito dahil sobra na ang pagiging pushover ko at wala akong maisip na paraan para iparating ang mensahe ko, lalo na sa kanya. May record ng extreme moodiness at sudden violence ang nasabing room mate. Kung direkta kong sasabihin ay baka samahan ko na si Lord. Sa lahat ng mambabasa, halp meh.

Tuesday, September 1, 2009

Sunday, August 30, 2009

UAAP '72 Update: Badminton

Paolo Sunga and Tobi Gadi

Blue Shuttlers maintain perfect run, Ladies clutch first win


Riding on aggressive putbacks and tricky placings, the Blue and Lady Shuttlers stamped their class on fierce opposition, toppling Far Eastern University (5-0) and the University of Sto. Tomas (3-2) respectively, rising on the records for the fourth round of the UAAP Badminton Season ‘72, August 30 at the Rizal Memorial Badminton Halls.

Untarnished Record
AdMU 5, FEU 0

The men’s team maintained their perfect 4-0 slate, sharing the top spot with the University of the Philippines. Ateneo earlier felled De La Salle University (3-2), National University (5-0), and defending champions University of the East (5-0).

The Blue Shuttlers sailed past their Morayta counterparts in the first singles matches. Pumped-up rookie Antonio Gadi (I – AB IS) and team captain Raphael Sanchez (III - BS COMTECH) gave Ateneo an early lead via 2 set wins each, 21-11, 21-6 and 21-18, 21-15 respectively. Gadi rose again together with Paolo Lorenzo Sunga (II BS LIFE-SCI) to command an imposing 21-10, 21-10 trashing of opponents Randolf Balatbat and Angelito Flores, banking on swift smashes down the midcourt.

Orville Yu (IV – BS HS) and Ranier Tiam-Lee (IV- BS AMF) recovered from a sloppy start and combined to suppress an FEU offensive on the first set, upsetting the Tamaraws, 21-15, 21-11. On the third singles, Sunga again stepped on the court to halt Kevin Cudiamat via 21-11, 21-9 stoppage, hitting long smashes and forcing the latter to commit net errors.

The Boys in Blue will face UST on Saturday, September 5, and badminton hosts Adamson University on the 6th. Coach Kennie Asuncion and her team is set to meet league-leading University of the Philippines, coached by her brother Kennevic Asuncion, on the 12th before heading to the semi-finals, on Sunday, September 13.

Carla Lizardo

Giant Slayer
AdMU 3, UST 2

The erstwhile luckless Lady Shuttlers outlasted the hard-fighting UST contingent, 3-2, in a winner-take-all singles match victory by team captain Carla Lizardo (II- AB Comm).

Ateneo took the early lead by copping the first two singles games in three-set thrillers from Lisa Encarnacion (II – BS HS) and Monica Yupangco (II- BS LIFE-SCI). Encarnacion trounced UST’s R.Decatoria with several open hits on the wing area, knocking a 16-21, 21-13, 21-11 save. Yupangco capitalized on Camille Yang’s out-of-bounds hits to rain down a flurry of smashes down the rail, 11-21, 22-20, 21-17.

However, the Ladies dropped both their doubles matches, falling behind as quick as they had captured the lead. Lizardo tandemed with Camille Bautista (IV – AB Comm) and lost on errors, 13-21, 19-21. Audrey Ng (I – BS ME) and Yupangco faltered on drop shots, 16-21, 12-20.

A revitalized Lizardo rose on the third singles and exploited Jacki Cudia’s weak lobs, smashing her way in an emotional 21-13, 21-15 conquest.

“[Beating UST] is a very big deal for us. It’s the first time we beat a good team. We are just so happy,” an elated Lizardo remarked.

“As coaches, [I and Coach Alma Ledesma] are very proud about how they played today, especially for the girls. It’s such a big upset [for UST] today; this will be a big morale booster for the team,” Coach Kennie Asuncion said.

The Ladies are set to battle NU on September 5, and UP on the 6th, and UE on the 12th.

Maraming salamat kay James Magalong ng Guidon para sa mga larawan at kay Dijo Songco ng goAteneo.com

[R-18] Mga Eksenang 'Wag po Koya

wag po koya. plis.


Anak: 'Tay panood naman ng DVD n'yo
Anak: *nilabas ang DVD na cover si Aleck Bovick*
Tatay: Ay p*tangina.

---

Maid is cleaning Bro's room. Bro enters wearing only a
towel (kakaligo lang).
*Maid starts to walk out of room.*
Bro: Neng, isara mo ang pinto.
*Maid turns around with tears in her eyes.*
Maid: Kuya, huwag po... *sniffs*
Bro: Gaga! Paglabas mo ng kwarto!!!

mula kay Mark Salin


---

(Pare 2, nakikinig ng "Poker Face", feel na feel)
Pare 1: Pare, may t*ti raw si Lady Gaga.
Pare 2: Ay p*tangina.

---

Kapatid: Kuya, buntis ako.
Kuya: Ay p*tangina.

---

Naiwan ng isang baby yung tsupon sa kama, umupo ang isang bakla at isang boy.
*Naupuan ni jokla ang tsupon.*
Bakla: RAPE RAPE RAPE RAPE RAPE XD RAPE RAPE RAPE!!!!!!
Boy: Ay p*tangina.

Saturday, August 29, 2009

'Wag po Koya: Pic of the Day

Dahil ang true love ay nariyan lang sa tabi-tabi. Try mo sa mga puno ninyo sa bahay. Baka nandun.

Friday, August 28, 2009

Parang ang Sarap Manapak Today

Dalawang araw matapos kong pilipitin ang utong ng kaibigan ko (na halos pumutok na) dahil sa magagandang nangyari ngayong Linggo, bigla akong natauhan. Lahat ng mga serotonin, endorphin, at dopamine na nasa katawan ko (at kung ano pa mang likidong nagpapasaya sa akin) ay para kong inihi sa isang arinola, sabay tapon sa unang tao kong makita.




Ang dami pa lang depressants sa mundo. Hindi ko napaghandaan. Hindi ko inaasahan. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang sarap na lang manapak ng tao isang araw. Ang sarap mang-sadista. Ang sarap lumapit sa isang tao tapos putukan sapakin mo na lang bigla. Mood swing na kung mood swing, pero eto ang storya.

Hindi na rewarding ang pagsali ko sa org ko, ang org, na inaakala kong magbibigay ng saya sa akin. Hindi ko na hawak ang major subject ko para sa course ko, na inaashan kong magiging isa sa mga forte ko. Hindi na ako makaramdam, lalo na 'pag kasama ko ang mga kaklase kong may kanya-kanyang lovelife. Hindi na ako makareact, dahil sa sobrang daming trabaho, na pati Sunday e kain. Hindi ko na kilala ang sarili ko; parang hindi na ako tao. Parang... hindi naman ito ang buhay na plinano ko.

Kaya nga ba ang sarap kumain ng kumain minsan, (kahit sa Obento). Kaya nga ba masarap makipagdaldalan ng non-sense minsan. Kaya nga ba ang sarap mangurot ng utong (ng lalaki). Kailangan kong matauhan - dahil nawawala na ang pagkatao ko. Hay, buhay nga naman.


Ayoko nang lumaklak ng stress na para bang puro p*tanginang school na lang ang inaatupag ko. Minsan na akong nagkamali noong High School dahil dito, pero hindi pa rin ako natututo. Ang hirap magbalance - ang sarap sana kung hawak mo oras mo eh. Kaso ano ang hawak ko? (Hindi et*ts ko, ok?) WALA. Hawak ko lang ang option kung ano ang uunahin kong trabaho.

Oh, well. Ano bang magagawa ko? Friends, labas tayo. Libre ninyo ko.

Putik. Sana may chicks na pumasok sa room ko ngayon...

Hahanapin ko muna ang aking mojo. Baka hindi muna makapag-blog. Magboblog lang muli matapos makakita ng happiness.

Wednesday, August 26, 2009

Super Thank You! Aylabit.

Maraming salamat sa Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa pagkilala sa Nang Magsimulang Managalog si Koya bilang pinakamahusay na blog entry para sa unang Timpalak Blog ng unibersidad (2009). Ang entry ay nagkamit ng Unang Gantimpala na iginawad noong Agosto 26, sa Escaler Hall, Ateneo de Manila LS Campus.

Ang nasabing blogpost ay hinusgahan ni Prof. Yol Jamendang (ang pangunahing awtor ng Tunay na Lalake), isa pang propesor at isang doktor ng Araling Pilipino mula sa Kagawaran.

Maraming salamat sa aking mga guro, kina Bb. Pamela Cruz at G. Aristotle Atienza na naging gabay sa aking pagsulat. Gayundin sa mga kaibigan, kaklase, at kay Papa God. Super thank you!

Sana'y nakatulong ang blogpost sa pagpapalalim ng ating pag-unawa sa wikang Filipino.

Tuesday, August 25, 2009

Kapag Minahal ng Sobra ang Dota



Maraming salamat kina Luigi at Joseph para sa video.

Monday, August 24, 2009

Ode to Obento

Dear Nanay,

Grabe talaga ang experience ko dito sa Ateneo. Dahil walang makain na medyo swak sa budget, naghanap ako ng mga stalls na tigsi-sixty lang ang binebentang pagkain. Mayroon akong nakitang stall, Obento ata ang pangalan. Marami silang tigsi-sixty na pagkain kaya naisipan kong doon bumili.

Magugulat ka, nanay, kapag nakita mo si Mamang Obento. Naawa ako sa itlog na kasama sa inorder kong "Ala Pobre" beef. Naabuso ito ng todo. Pagkabasag nito sa grill ni Mamang Obento, wala itong habas na pinagsasasaksak, pinagiikot-ikot, at pinagpapatong-patong sa iba pang ginahasang itlog.

At ang karneng mukhang pinagtasahan ng Mongol, maniwala ka inay, parang yung mga sosy na beef na pinapaliguan ng alak sa TV. Kaso hindi alak ang pinapaligo sa baka, kundi mantika't toyo - nag-uumapaw na toyo. Toyo na nagpapaitim sa maitim nang karne.

Dinagdag ni Manong ang isang tasang kanin na kinulayan para suportahan si Cory. Sinaksak ito, kasabay ng sabog-sabog na itlog at gisang-gisang ginisang karne. At doon nagawa ang Ala Pobre - ang pagkaing pampobre. Masarap naman to, kahit alam kong tone-tonelada ang vetchin at toyong pinalaman ko sa tyan ko.

Narito ang isang blogpost na aking irerepost dahil sa value nito sa society.

Top 3 — Mukhang Taeng Pagkain Sa Ateneo Caf Na Kakainin Mo Dahil Mura

Mula sa malistya.wordpress.com

Kung hindi ka conyong babaeng sanay lang sa ispageti na pinaliguan ng alak, palibasa’y nakaranas ka na ng tinatawag nilang ‘tag hirap’. Buti nalang may mga pagkaing pantaghirap ang mga kainan sa Ateneo. Mukhang kadiri nga, nakakabusog naman. Tingnan:

1.
Ang Ala Pobre ng Obento

Pangalan palang tumpak na! Pampobreng meal! Pagmasdan ang karneng mukhang uod na gumagapang sa itlog; at ang itlog, mukhang halimaw na pinatay ng GhostBusters nung 1980’s, nung uso pa sila.

2.
Ang Salisbury Steak ng Nagbebenta Ng Milo at Iced Tea sa Kanto ng Caf


P65 ata itong meal na ‘to, pero may kasama nang iced tea! May nagsabi na ba sa inyo na hindi malusog ang Burger Steak ng Jollibee? Wala yun dito!!! Itong Salisbury Steak ng Ateneo Caf, kalahati ng laman e sibuyas lang! Ito lang din ang isa sa mga steak na hindi kailangan ng kutsilyo para kainin, para kasing giniling na binuhusan ng pandikit ni Elmer. Oo na, kadiri na nga, pero san ka pa? May libreng iced tea eh.

3.
CPA ng Obento


Undisputable ang kaharian ng Obento sa pagbebenta ng pagkaing mukhang inaamag na, ngunit nakakabusog parin. Tawag nila dito’y CPA, Chicken Pork Adobo raw. Paborito ko ‘to, sa totoo lang. Mahirap na hindi magutom kapag nakita si Manong Obento na sinasaksak at pinapalipad-lipad ang kanin at sahog sa kanyang malupit na frying ewan.


Mula dito ang orihinal na post. Maraming salamat.


'Wag po Koya: Pic of the Day

Prof mo ba 'to?

Tingnan ang buong set ng "If Schools Told the Truth" mula sa Cracked.com dito.

Thursday, August 20, 2009

August 21: Are You Still Worth Dying For?


Ui. Walang pasok.

Anong ginawa mo? Nagcomputer magdamag? Natulog? Kumain hanggang mabusog?

Ikaw, na walang ginawa kundi makipagtitigan sa monitor, makipag-apir kay idol sa panaginip, o nagpalaman ng 'di mabilang na dami ng pagkain sa iyong tiyan... Are you still worth dying for?

Today we take short break chasing life as it is, fast-paced and eternally burdensome. We take a brief relief from this burning cycle of living. But let us all remember, we were given this day to serve a purpose - to reflect, in our own little way, the life and death of a person who gave his life for our liberty. No, not a modern-day Jesus, but like him, a martyr, who died for the sake of love and of his people. Ninoy Aquino's legacy is something we should be poignantly grateful.

I won't be recalling Ninoy and his heroic life. I won't be mentioning something that has already been mentioned for the past decades. I won't be echoing, like many who did before, the intelligence he had and the passion he excellently, and in every manner he so brilliantly exhibited. What is important now is how we, today's generation, live up to the ideals he braved living for, to the love of nation he endured suffering for, and the freedom of our nation he died fighting for.

A little reflection is needed in answering such a challenging call. What kind of Filipinos did Ninoy die for during his time? From what we know, they are freedom-lovers -the kind of people who would sacrifice everything, until the last drop of blood, for democracy. They are also religious, who embody Cory's words, "Even the highest place in the world is still under the Lord's feet.". They are spirited, hard-working, community-oriented people. They are neither apathetic nor ignorant. Rather, they strive to be of use, to hurl themselves into the arena national affairs, and oftentimes without politicking, to be of service. They are the Filipino people of before.

Rising from them is our generation, a free people who takes everything for granted. We are a people of selfish intentions, diasporic, apathetic. We are more concerned with things that'll take individuals to the peak of power, rather than as one people with a common cause. We cry freedom in the form of working abroad. We vent our complaints against the Church. We are a nation almost completely alien from what we are in the past. Only a few people realize that we are not as before. Yet the question remains, are we still worth dying for?

Of course we are. We may have been freed from the regime of dictatorship, but the real oppressors - poverty, corruption, apathy, and hatred - still lingers among our people. But then, we do not need another Ninoy to shed blood for our sake. We do not need another People Power to drive this cause. What we need is to look into ourselves, and ask the question: "Am I still worth dying for?" Take action. Take pride. We our Filipinos.

Kaibigan. Masarap matulog. Pero sana, pag gising mo, isa ka na ring Ninoy. Hindi Ninoy as in Ninoy, pero isang Pilipinong handang ibigay ang makakaya sa pagmamahal sa kapwa mo Pilipino.
Rest not in peace;
Not yet Rizal, not yet. The land had need
Of young blood and what younger than your own.
Forever spilled in the great name of freedom,
Forever oblate on the altar of the free?

- R. Zulueta da Costa, Like a Molave
Maraming salamat sa Ateneo Sanggunian para sa larawan. Ikalat ang post. You are worth dying for.

Tuesday, August 18, 2009

'Wag po Koya: Pic of the Day

Dahil tunay na matamis ang pag-ibig.

Wednesday, August 12, 2009

Outrageous Blogs Dedicated sa mga Presidentiabols

Ganito kami sa Makati.

Mabilis na nga talaga ang panahon ngayon. Mahirap nang makakita ng mga taong walang Facebook account (oo kahit si Lola Techie meron. Pero ako hanggang ngayon na nabubuhay sa panahon ng Friendster, wala pa.). Marami na rin ang napasabak sa pag-boblog (tulad ko) upang magpapansin. Aba. Pagpapapansin ba kamo? Raket yan ah.

Oo. Raket nga. Kaya nga ba marami sa ating mga presidensyabolz ang nagpasyang magtayo (o magpatayo) ng kani-kanilang mga blog sites. Hahaha. Tiningnan ko ang iba sa kanila, at maniwala ka. Kung raket nga ang pagsabak sa mainstream blogging, benta ang mga blog ng mga kandidatong ifefeature ko dito. Nakakatuwa, nakakainis... outrageous beybeh!

Akala Mo - Blog ni Manny Villar
http://akalamo.com/


Nice, May Website Pala to! Anong Meron?

Actually, hindi na ako nagulat na may website pala si Sen. Manny Villar, araw-araw ba namang i-advertise to ng isang nagfe-feeling na Chito Miranda sa TV at sandamukal na kataong natulungan ng dating Majority Floor Leader. Para sa akin, ayos 'to bilang da moves, moving away sa pagpapapogi sa mga oldies (sa mga naunang commercial) towards pagpapapogi sa youth. That aside, impressive ang website. Hindi sya parang isang Friendster profile ng isang 14 year old chaka na namumukadkad sa glitters at may shoutout na "HelloWz PoH!".

Maraming features ang website. Ang pinakaprominent dito ay ang mala-FML Message board sa ilalim, na may mga mensahe ng mga random people. Ang topic nila, of course, ay pagfi-fill-in-the-blanks sa "Akala ko ___, yun pala ____ ." Kung ako magmemessage dito, siguro ilalagay ko, "Akala ko chicks, yun pala vavush." 90% sa mga nabasa ko ay suporta kay Sen. Villar, at ang iba naman, mga pagsasalaysay ng failures sa buhay ("Akala ko type ako, yun pala iba" - Fiona D. Ilo-ilo, "Akala ko may trabaho na ako, tatawagan pa lang pala" - josemel, QC).

Bukod sa message board, may downloads section rin ang website. Sobrang winner nito. Hahaha. Para sa mga "Krung krung kruuuuunggggg" pa rin ang ringtones, maari mo na 'tong palitan ng "Akala mo petiks yun pala supot hinde." via sa ringtones section sa gilid. Sa baba naman, mayroong mga wallpapers na disente ang mga designs.

Eto actually yung dinownload ko

Sa ilalim ng site ay maraming links sa bawat Akala Mo theme (pagod na akong magtype ng "Akala Mo" actually). May naglilink sa official news site ni Sen. Villar (kung nais mong ring makita ang mga plataporma at achievements), mga featured na natulungan, at mga interview kasama si Boy Abunda. SI BOY ABUNDA? Ok. Aalis na ako sa site na 'to.

BUT WAIT. May bonus naman. Sa mini-slideshow widget sa lower right, maari mong sundan ang mga links at doon makikita mo ang isang gallery. May picture si Villar at si Manny Pacquiao (ops, wait for it) at ang (drum roll please) Gosengfiao sisters! Bawi na ang pagkasuya mo sa pagmumukha ni Boy Abunda. Awsum.

Alam ni Sen. Villar ang ibig sabihin ng "benta"

Ok na sana, kaya lang...

Mwahaha. No website is meant to be perfect, ayon nga sa aking lolo. Una, para maview mo ang mga messages ng ilang kababayan beyond sa first page, kailangan mong magregister. Hassle naman.

Pwede naman palang magka-cellphone. K. Di na po aangal. :D

Bukod pa roon, sa akalamo.com, mayroong parang mini-flash animation sa taas na part (yung blue) na nagbibigay ng ilang quick facts na dati ay "Akala mo". Halimbawa:


Fine, fine. Thanks sa info. Mas matalino pala ang baboy kaysa aso. What more pa po koya?


Hindi ako makareact noong una ko 'tong nakita. Pakikiliti nga ako. Wekwekwek.

Anong masasabi mo Koya?

Sa kabuuan ng kulay, sari-saring content, layout, at tema, panalo ang website na ito. Tama rin na hiniwalay niya ang medyo seryoso niyang website, ang mannyvillar.ph, para may sense pa rin ng professionalism ang kampanya ni Sen. Villar sa web. Pero tanong ko lang, wala ka bang napapansin?

Spot the difference, beybeh

Oras na! Roxas na! Mar Roxas for President in 2010 - Blog ni Mr. Palengke
http://marroxas2010.blogspot.com/


Nice, May Website Pala to! Anong Meron?

Sa unang tingin, halata namang hindi pakana ni Sen. Roxas ang paggawa ng blog na ito, kundi ng grupong Cebu Bloggers Society na isang society ng mga bloggers sa Cebu. Tulad ng kay Villar, marami ring laman ang site, ngunit hindi tulad kay Villar, wala kang libreng ringtone. Hehehe.

Paalala lamang, hindi ito ang official na blog ng senador. Meron pang dalawang relevant websites, ito ang official at ito ang Friends of Mar Network. Pero since outrageous sites ang topic natin, hayaan nyo na ako. Sa site na ito, tila pinanindigan ni Mr. Palengke ang kanyang nickname - medyo nagmukhang palengke ang sandamukal na information na nakakalat sa ilalim ng blog (na hindi ko nakuha sa screenshot sa taas). Halos maghang ang kompyuter ko noong niloload ang maraming ads, text, links, widgets, pictures, video embeds, flash animations at kung anu-ano pa. Pero k. Pwede na rin. Mas maayos pa rin naman kaysa sa profile ng 14 year-old chaka sa Friendster.

Sa pag-eexplore ng site, makikita ang Downloads section sa ilalim ng Media Tab. Aba, ano itong nakikita ko? Free wallpapers! Pero in this case nga lang, wala kang choice kundi mga wallpapers na may mukha ni Sen. Mar Roxas, na medyo nakadidismaya, kasi alam naman nating lahat na gusto natin ng wallpapers to brighten-up our day kapag nagkokompyuter. Imaginin mo na lang. Bad trip ka isang araw, then para mawala ang stress mo, bubuksan mo ang laptop. Tapos bubulaga sa iyo ang mukha ni Mar. Watta day, pare. *tapik sa likod*

Ito ang bubulaga sa iyo.

That aside, maraming balita at opinyon kang makukuha sa site. Nakakatuwa ang ilan sa mga post, tulad ng "Mar Loves Korina, so What?" at ang "Long Road to Malacanang for Mar". Pwede mo itong matrack sa Facebook, Twitter, at iba pang social networking sites. Makikita mo talaga ang boses ng mga supporters ng senador.

Willie about to say "pwet".

At dahil sa mga malalamang posts na ito, kasama na rin ang mga bills sa Senado na naipasa ni Roxas at moar good things, marami nang nagather na awards at nominations ang nasabing blog.

Sana meron din ako nito. Ulul.
Ok na sana, kaya lang...

Medyo assuming ang blog na 'to. Para sa akin, though maimpluwensya ang ilan sa mga posts, hindi naman tama na iproclaim mong presidente si Sen. Roxas ngayong wala pang election. Ang alat nun e.

Wat?

At tulad nga ng sabi ko kanina, magulo ang website. It could really use a good layout, and bawasan sana yung mga ads, lalo na yung isa na nag-aadvertise ng La Paz Batchoy. Sa content naman, hindi ko alam kung bakit kailangan pang magdedicate ng isang sections sa Media -> MarRoxasTV para sa mga spoof ng "Padyak" commercial. Medyo na-ooff purpose ang website bilang pagpapakilala kay Mar, at bukod doon, nawawala yung sense ng isang professionally-constructed website (on my POV bilang MIS major) na kapag tiningnan ng iba, ididismiss agad dahil sa mukha itong patapon. Hmm.

At nasabi ko na ba na ang mouse pointer mo ay magiging Mar Roxas sa non-linked spaces? lol.

Minimar. Uhuh.

Anong masasabi mo Koya?

Fairly balanced naman, kahit paano. May features na ok, mayroon rin namang basura.

Para sa akin, may meaning rin naman ang blog na ito. Part ito ng malawakang PR campaign ng senador na nagpapakilala sa kanya bilang taong makamasa. Yun nga lang... sobrang makamasa. Hindi malilimutan ang kanyang Padyak commercial, PDA kasama si Korina, at pagiging palengke ng kanyang mismong pananalita. Pero matalino rin naman si Senator Mar, at may mga nagmamahal sa kanya, tulad ng Cebu Bloggers Society. Pero wala ka bang napapansin?

Spot the difference, beybeh

at mula sa marroxas.com message boards:


[R-18] Jamby Madrigal for President in 2010 - Porn Blogsite ni Sen. Jamby Madrigal
http://jamby2010.blogspot.com/


Nice, May Website Pala to! Anong Meron?


Mwahaha. Natuwa ako, actually, dahil may effort naman pala ang mga supporters ni Sen. Jamby na magreach-out sa net generation. Kahit itinuturing ng marami na joketime ang pagtakbo ng senadora, at least mayroon kang pagkakataon para pakinggan ang kanyang mga plataporma sa gitna ng mga nagsasabing "wag ka na". Oha.

Medyo nagulat ako nong nalamang matagal na pala itong blogsite na ito - 2006 pa dated ang unang entry. Sa paggamit ng language, makikitang isang supporter ang gumawa ng website.
"Our GREAT SENATOR JAMBY MADRIGAL IS RUNNING FOR PRESIDENT!"

- excerpt from a post
Hindi ko alam kung may sa-Russian ang may-ari ng blog, pero apparently, close sila ni Sen. Jajajajamby.

Largely text-based ang website, featuring substantial news items at statements mula sa mga kampanya ng senadora. Mayroon ring magandang blogroll sa gilid kung saan makikita ang mga links papunta sa mga blog ng iba't ibang kilalang personalidad (na hindi naman sila ang gumawa). Organized ang blog, at kung information ang hanap mo, winner to. Meron ka pang link sa "official website of President Joseph Ejercito Estrada." Try mo.

Bukod pa 'ron, matapang rin ang blog lalo na sa ating cellphone-provider bespren na si Sen. Villar. Marami ang nasabi versus sa Senador, na apparently, ay corrupt at 'di maasahan. Hmm. Ok naman, dahil sa pagsasalaysay ng website, kailangan naman din nating maging mapanuri at huwag mabulag sa biyaya ng cellphone.

Ok na sana, kaya lang...

Naaalala mo ba yung nabanggit sa Mga Akala tips ni Sen. Villar? Ayon sa isang tip, 80% ng impormasyon sa Internet ay walang iba kundi porn. Apparently, may contribution ang blogsite na ito para mabuo ang 80% na iyon.

Sa isang article kung saan dinidiscuss ng blogger ang pagkakasangkot ni DJ Mo Twister sa pagkalat ng pornography sa bansa, naka-attach ang tatlong pictures ng isang hubad na Maui Taylor. Aniya, may kinalaman si DJ Mo sa pagpapakalat ng mga pictures na ito, na naunang sinisi kay Brian Revilla, anak ni Sen. Bong. Pero hindi ko pa rin maexplain kung bakit kailangan pang ipost ito sa isang campaign & opinion blog, na lalong magsasapublic ng mga pics na ito? Wow. Hindi nakakatuwa (kahit pa ito'y porn); rather, nakakaoffend.

Necessary? Ako lang ang nag-censor nito. Uncensored ito sa mismong site.

Aside sa occassional deviations sa pulitika - gaya ng isang video ng kung paano mag-luto ng Peking duck - itong part na ito ng blog ang medyo wala talaga sa lugar. Kung ako ang babae na nabastos dahil sa pagkalat ng aking mga litratong hubad sa Web, hindi ba dagdag na kahihiyan sa akin na ang supporters ng senadorang "nais tumulong" sa akin ay nagkakalat rin nito? Isip, kaibigan, isip.

Anong masasabi mo Koya?

Not for kids. Not for kids. Not for kids. Nasayang ang magandang collection ng opinion at news items ng blog sa matinding bahid ng porn at bias sa site, na nadistribute na sa humigit-kumulang 30,000 unique viewers ng blog. Mabuti pa puntahan mo na lang ang website ni erap na nakalink sa baba, kakantahan ka pa ng dating Presidente.


(At dahil hindi ko ma-embed ang kanta mula sa site, bisitahin na lamang ang http://erap.ph/ at pumunta sa "Erap Songs" tab. Enjoy!)





Tuesday, August 11, 2009

UAAP Men's Basketball: Second Round Schedule


The much-anticipated schedule of games for second round of the Men's Basketball series was officially released Monday, August 10, after a few days of deliberation.

Archrivals Ateneo and La Salle will have little space to breathe as they clash again, Sunday, at the Araneta Coliseum on an expected blockbuster night.

Ticket information for the following games can be obtained in the athletics department of the respective UAAP schools.

Second Round:

August 13(Thursday) – Araneta Coliseum
2 PM – Adamson vs La Salle
4 PM – Ateneo vs UE

August 15 – Araneta Coliseum
2 PM – UP vs NU
4 PM – FEU vs UST

August 16 (Sunday) – Araneta Coliseum
2 PM – UE vs Adamson
4 PM – La Salle vs Ateneo

August 20 – Filoil Flying V Arena
2 PM – NU vs FEU
4 PM – UST vs UP

August 22 – Araneta Coliseum
2 PM – Adamson vs NU
4 PM – FEU vs UE

August 23 (Sunday) – Araneta Coliseum
2 PM – UP vs La Salle
4 PM – Ateneo vs UST

August 27 – Filoil Flying V Arena
2 PM – UE vs UP
4 PM – Adamson vs FEU

August 29 – Filoil Flying V Arena
2 PM – UST vs NU
4 PM – La Salle vs UE

August 30 (Sunday) – Filoil Flying V Arena
2 PM – UP vs FEU
4 PM – Ateneo vs Adamson

September 3 (Thursday)– Araneta Coliseum
2 PM – NU vs Ateneo
4 PM – La Salle vs UST

September 5 – Araneta Coliseum
2 PM – UE vs NU
4 PM – FEU vs La Salle

September 6 (Sunday)– Filoil Flying V Arena
2 PM – Ateneo vs UP
4 PM – UST vs Adamson

September 10 – Filoil Flying V Arena
2 PM – La Salle vs NU
4 PM – UE vs UST

September 12 (Saturday)– Araneta Coliseum
2 PM – Adamson vs UP
4 PM – Ateneo vs FEU

September 13 – Araneta Coliseum
2 PM – Cheerdance Competition

Playoffs (Schedule as of August 10):

September 13 (Sunday)
Araneta Coliseum

Final Four (Schedule as of August 10):

September 20 (Thursday)
Araneta Coliseum

if necessary, September 24 (Sunday)
Araneta Coliseum

Finals (Schedule as of August 10):

Game 1
September 27 (Sunday)
Araneta Coliseum

Game 2
October 1 (Thursday)
Araneta Coliseum

Game 3, if necessary
October 4 (Sunday)
Araneta Coliseum

Information from the University Athletics Office, Ateneo de Manila University. August 10, 2009.

Monday, August 10, 2009

TwiLOL



Warning: Nat for Twilight fans. Read at your own risk. Apir. Ang post na ito ay revival mula kay akosiyol.

Psst. Tara, may sasabihin ako sa iyo, pero wag mong kilalat ha. Lumapit ka, baka may makarinig. Hindi kita tsatsansingan. Hindi kita type no. Ok, fine type kita pero tsaka na natin pag-usapan yun. Lapit ka pa para di ko na kailangang lakasan yung boses ko.

We will make history. Gagawa ako ng bomba.

Sira! Hindi yung bomba na nakakagawa ng tao, o kahit anong may koneksyon kay Maria Ozawa. Bomba as kabooooooooom! buguuuuummmmm! wassssssssssak.

Ganito. Ngayon gusto nating mambadtrip ng mga Twilight fans.
Puwede tayong gumawa ng mga blog entry na may label na "Twilight Torrent", tapos lagyan natin ng picture ng mga t*ti ng negro. O kaya ni Sam Milby na yakap si Piolo. Or better, video scandal ni Hayden Kho. Basta, ampanget nun e. Kapag natapos na nilang idownload ang file... BOOOOOOM! SABBBOOOOOOOOOOG! KABLAM! BYE WORLD HELLO PAPA GOD! WASAAKKKKKK. GG KA BOIIIIII! WEKWEKWEKWEK!

O di kaya naman, gumawa tayo ng link na may title na "Twilight Wallpapers/Screencaps/Trailers" o "New Moon e-book". O mga kahawig na hilig at keywords gaya ng "Wondergirls album download" o di kaya "Chris Tiu nude pics". Kapag naitype na nila ang mga keywords na ito, maglilink yung google sa mga ginawa natin, kaya wala silang makikitang ibang picture o file na walang t*ti ng negro. Pwede rin i-palit ang mga sumusunod na ingredients na maaring isilid sa isang torrent:

  • FHM Calendar feat. Boy Abunda
  • Mga kanta ni Willie Revillame
  • ACTUAL na Twilight movie, kaso dub ni Manny Pacquiao si Edward tapos si Ruffa Mae si Bella. Ang end credits song? Igiling Mo by Willie Revillame. Epic.
  • Pics ng supot na bata. Preferrably picture mo para mas nakakainis.
  • "Ramdam" Commercial ni Mar Roxas repeated 101 times. "T*ngina nyo, ramdam ko kayo".
  • Video tulad ng nasa itaas.
At again, kapag natapos na ang download... BOOOMMMMMMM!!! WASAAKKKKKK!!!! YARI KAAAAAAAAAAA!!! LAGIIIMMMM, LAGIIIMMMMMMMMMMM MWAHAHAHAHAHHAAHAHHAHAHA!!!!!!! WEKWEKWEKWEKWEK!


Maraming salamat kay akosiyol. Para sa karagdagang suggestions, magcomment lamang sa ibaba.

'Wag po Koya: Pic of the Day

Dahil walang pinipiling mukha ang pag-ibig.

Friday, August 7, 2009

The God of Knowledge

Nakita ko lang ito hababang nagyu-YouTube. Meet Vanz, my dormmate, the God of Knowledge. (Babala: Explicit sabaw content)



Maraming salamat kay smashcorefilms.

Wanted: EINSTEIN

ISANG LINGGO KO NANG INIISIP, PERO WALA TALAGA E.

Ano bang ibig sabihin nito? Anong tawag dito?











Gotcha.


(Pero seryoso, ano ba talaga to? Bakit kailangan kang batukan pag tumingin ka dito? Ano bang tawag dito? San ba to galing? Sinong mokong ang unang gumamit nito? Sino ang unang biktima? Pogi ka ba? Bakit ka nagbabasa nito? Bakit ang kulit ko? Bakit bakla si Piolo? Wat is love? Kapag inalok ka ba ng isang milyon, papayag ka bang itali sa isang room kasama si Bebe Gandanghari ng humigit tatlong oras? asdasfddsfsadafdghfdsfgds)