Friday, August 7, 2009

...Dahil Minsan Ka Lang Maglilibing ng Isang Bayani


Iba. Ibang-iba. Ulan, oras ng paghihintay, pagod, gutom, tao. Helicopter, camera, matatandang babae, bata, luha. Kalye. Iba kung nandoon ka.

Tita, lumukso ang puso ko nang ang hawak kong dilaw na rosas ay nalaglag sa tabi mo. At naramdaman ko ang buhos ng pagmamahal ng tao sa iilang hakbang na inialay ko, kasama nila, sa paghahatid sa iyo.


Wala. Wala akong masasabing mga salita para sa ganitong mga pagkakataon.
Pero nangangako ako ngayon.
Sa aking munting paraan,
Itutuloy ko ang laban.
Pinapangako ko.
Boboto ako.
Hindi na ako magrereklamo.
Magpapakabuti, gaya mo.
Salamat sa pagpapaalala, Cory.


Ikaw, reader, mangako ka rin.

(Itutuloy ko na rin ang regular na pagboblog sa susunod na linggo. Maraming salamat kay Zyron para sa mga larawan. Bisitahin ang kanyang website sa zybot.multiply.com )

No comments:

Post a Comment