Sunday, September 13, 2009

Pagkabaon sa Stone Age

*sniff* Ano nang nangyari sa wagpokoya? Grrrrrr. *sniff*


Pasensya na sa mga readers na inamag na ang mga mata kahihintay ng bagong post. Er, para sa mga nagtatanong ng bakit, meron pong phenomenon sa buhay ng mga college students na kung tawagin ay HELLWEEK. Oo, Hella-licious, finger-lickin' hellweek. Nayari ang inyong abang lingkod ng rumaragasang avalanche ng batshit, kaya napabayaan ang blog ng maraming araw. Asahan ang pagdagsa ng mga post by the end of this week.

End of this week pa?!?!?!

OO. P*tangina.

Samantala, hayaan ninyo munang paliguan ko kayo ng walang hanggang kaligayahan sa isang presentasyon ng maalat na pagsasayaw.

Thursday, September 3, 2009

MMDA: Para sa mga Taong Ubod ng Tigas ang Ulo


Maraming salamat sa mga taong akala nila'y sila si Moses at ginagawang Red Sea ang mga kalapit na highway sa pag-inspire sa mga walang magawang digital artist para gawin ang imaheng ito. Apir.

'Wag po Koya: Pic of the Day

Dahil ang tunay na pag-ibig ay parehong mukhang babae at lalake.

SNSD's Yuri: Shit Ba't ba ang Hot Niya, Potek


Maraming salamat kina Toto, Luigi, Angelo, ang Rm. 615 sa pagpapakilala sa 'kin sa SNSD. Gayundin sa Soshified Subs para sa video.

Wednesday, September 2, 2009

Mamamatay na Ako: Ang Pangwawagpokoya kay Koya at ang Litanya ng mga Kababalaghan sa Rm. 604

Wahuhuhu.

Hindi ko talaga alam kung anong kasalanan ang ginawa ko't binigyan ako ni Papa God ng isang matinding hamon. As in SUPAH MEGA CHALLENGE na mas mahirap pa sa trial na pinagdadaanan ngayon ng mga taong nagleak ang mga baol ng sex video - itinabi ako ng kapalaran sa best room mate in the universe. Mahaba ang storya ng p*tanginang pangwawagpokoya niya sa akin. 'Pag nakikita ko siya ay namimilipit na ang pwet ko dahil alam ko, sa ilang sandali lamang, ay maari niyang gawin ang alin sa mga sumusunod:
  • Kakausapin ang sarili niya, in English.
  • Hihingi ng P5 sa akin (na parang kolektor sa simbahan o konduktor sa bus) para may ipang vendo machine; kung walang makuha sa akin, kukulitin yung isa kong nananahimik na room mate.
  • Magdadabog bigla.
  • Sisigaw na parang nagpa-Primal Roar. Ang battle cry niya ay "AAAAHHH, fkciasjkhafskjdfkjjasdsaayawasdasdf."
  • Hihiram ng gamit.
  • Hahablutin ang pagkain na nasa teybol mo ng walang paalam. Tapos mag-tetenkyu. Pag walang ready-to-eat na pagkain sa teybol mo, hahanapin kahit anong pwedeng ipalaman sa pantog niya. Best example: kinain niya ang nakaimbak na 1-year old Cream-O ng dati kong room mate.
  • Magpapacheck ng papel. O homework.
Typical study time
  • Manood ng American TV shows na pagkalakas-lakas ng volume na para bang may cork sa tenga niya.
  • Kakanta ng mga kanta sa musical. O anupamang kanta na makakatawag ng mga kaluluwa sa purgatoryo.
  • Magbibihis sa harap mo. As in sa harap mo. Tapos, yung pinagbihisan niya, iiwan kung saan siya nagbihis (brief included). Rarampa siya sa room at sa corridor ng kung minsa'y brief lamang ang suot. Once instance, bumisita ang pamilya sa dorm. Nakita siya ng tatay ko na natutulog na nakabrief lamang. Sa shock at sobrang takot, pinawisan si 'tay. Sabay sabi sa kapatid kong babae, "WAG KANG PUMUNTA DITO. DYAN KA LANG. HINDI PAMBATA TO."
  • Although mas makalat ako sa kanya, pangit pa rin na nakakalat ang gamit na brief sa sahig. Jackpot pa 'pag naapakan mo. Boom.
  • Hihiram ng laptop para mag-Internet. O makiki-games. Pero mamatay siya ng paulit-ulit na mapipikon ka na dahil sasabihin niya sa iyong ang pangit ng keyboard mo kaya siya namatay.
  • Tatanungin ka ng how's your day. Pagkasagot mo tulog na siya.
  • Matutulog mula mga 4 hanggang 6 o 7pm. Tapos gising siya mula 7pm hanggang 5am. Sa panahong iyon, hindi niya papatayin ang ilaw, hindi niya papatayin ang laptop, at hindi siya aalis sa kama niya para mag-aral sa ibang lugar. (Sa lahat ng nagtatanong kung bakit malalim ang eyebags ko, hindi iyon dahil sa masipag akong mag-aral. Eto na ang sagot ninyo.). Kung maabutan ka niyang buhay pa sa mga panahong ito, magpapagising pa sa siya sa iyo.
Buti sana kung pusa lang gumawa nito sa harap mo e.
  • Magmamast*rbate. Seryoso pare, as in Vitamin J overdose. At pagkatapos niyang gawin iyon (sa pag-aakalang hindi mo siya nakita), hahawakan ka niya sa balikat at kakamustahin ka. Fine-fertilize niya ako at ang aking mga room mates halos araw-araw. Ay p*tangina.
  • Magpopost ng reminder sa kanyang cork board at sa dress cabinet, karaniwan ay tungkol sa mga academic duties. Pero may isang reminder akong nabasa, ang nakasulat ay "Stop doing IT (at most 3X a week for a month)." Kung ano man yung IT na iyon na dapat ay limitahan niya lamang sa tatlong beses kada linggo ay SIGURADO akong HINDI niya natutupad. Um.
  • Kung room mate kita at wala ka sa room, maari kang mawalan ng bolpen, pencil, kaunting barya, gunting, glue, atbp. Kung hindi mo pa alam kung saan iyon napunta kapag hinalughog mo na ang lahat, sisipain kita.
  • Magpapadeliver ng pagkain tapos aalis ng room. Pagkadating ng delivery, ikaw pa sisingilin.
  • Hihimasin ang balikat mo gamit ang kanyang extra large hands ng walang matinong dahilan. (Matakot ka 'pag galing siya ng kama, *wink*).
Yan ay ilan lamang sa mga challenges na hinaharap ko araw-araw, na nagpapawagpokoya sa akin. Hindi ko rin sigurado kung bakit humihinga pa ako ngayon, pero isang bagay ang sigurado ko - mamamatay ako ng may shit sa balikat ko. Ang room mate ko na ito ay siya ring magiging daan ko patungong langit - kapag nasurvive ng kahit sinong tao ang trial na ito ay idedeklara agad na santo. As in patron saint of oozing patience.

Wanna change rooms with me, anyone? Ayaw mo bang maging instant saint?

(Para sa mga hindi kinayanan ang mga kagila-gilalas na pinagdadaanan ni Koya, panoorin ninyo na lang ito upang sumaya ulit kayo.)

Tala: Ginagawa ko ito dahil sobra na ang pagiging pushover ko at wala akong maisip na paraan para iparating ang mensahe ko, lalo na sa kanya. May record ng extreme moodiness at sudden violence ang nasabing room mate. Kung direkta kong sasabihin ay baka samahan ko na si Lord. Sa lahat ng mambabasa, halp meh.

Tuesday, September 1, 2009