Wednesday, August 12, 2009

Outrageous Blogs Dedicated sa mga Presidentiabols

Ganito kami sa Makati.

Mabilis na nga talaga ang panahon ngayon. Mahirap nang makakita ng mga taong walang Facebook account (oo kahit si Lola Techie meron. Pero ako hanggang ngayon na nabubuhay sa panahon ng Friendster, wala pa.). Marami na rin ang napasabak sa pag-boblog (tulad ko) upang magpapansin. Aba. Pagpapapansin ba kamo? Raket yan ah.

Oo. Raket nga. Kaya nga ba marami sa ating mga presidensyabolz ang nagpasyang magtayo (o magpatayo) ng kani-kanilang mga blog sites. Hahaha. Tiningnan ko ang iba sa kanila, at maniwala ka. Kung raket nga ang pagsabak sa mainstream blogging, benta ang mga blog ng mga kandidatong ifefeature ko dito. Nakakatuwa, nakakainis... outrageous beybeh!

Akala Mo - Blog ni Manny Villar
http://akalamo.com/


Nice, May Website Pala to! Anong Meron?

Actually, hindi na ako nagulat na may website pala si Sen. Manny Villar, araw-araw ba namang i-advertise to ng isang nagfe-feeling na Chito Miranda sa TV at sandamukal na kataong natulungan ng dating Majority Floor Leader. Para sa akin, ayos 'to bilang da moves, moving away sa pagpapapogi sa mga oldies (sa mga naunang commercial) towards pagpapapogi sa youth. That aside, impressive ang website. Hindi sya parang isang Friendster profile ng isang 14 year old chaka na namumukadkad sa glitters at may shoutout na "HelloWz PoH!".

Maraming features ang website. Ang pinakaprominent dito ay ang mala-FML Message board sa ilalim, na may mga mensahe ng mga random people. Ang topic nila, of course, ay pagfi-fill-in-the-blanks sa "Akala ko ___, yun pala ____ ." Kung ako magmemessage dito, siguro ilalagay ko, "Akala ko chicks, yun pala vavush." 90% sa mga nabasa ko ay suporta kay Sen. Villar, at ang iba naman, mga pagsasalaysay ng failures sa buhay ("Akala ko type ako, yun pala iba" - Fiona D. Ilo-ilo, "Akala ko may trabaho na ako, tatawagan pa lang pala" - josemel, QC).

Bukod sa message board, may downloads section rin ang website. Sobrang winner nito. Hahaha. Para sa mga "Krung krung kruuuuunggggg" pa rin ang ringtones, maari mo na 'tong palitan ng "Akala mo petiks yun pala supot hinde." via sa ringtones section sa gilid. Sa baba naman, mayroong mga wallpapers na disente ang mga designs.

Eto actually yung dinownload ko

Sa ilalim ng site ay maraming links sa bawat Akala Mo theme (pagod na akong magtype ng "Akala Mo" actually). May naglilink sa official news site ni Sen. Villar (kung nais mong ring makita ang mga plataporma at achievements), mga featured na natulungan, at mga interview kasama si Boy Abunda. SI BOY ABUNDA? Ok. Aalis na ako sa site na 'to.

BUT WAIT. May bonus naman. Sa mini-slideshow widget sa lower right, maari mong sundan ang mga links at doon makikita mo ang isang gallery. May picture si Villar at si Manny Pacquiao (ops, wait for it) at ang (drum roll please) Gosengfiao sisters! Bawi na ang pagkasuya mo sa pagmumukha ni Boy Abunda. Awsum.

Alam ni Sen. Villar ang ibig sabihin ng "benta"

Ok na sana, kaya lang...

Mwahaha. No website is meant to be perfect, ayon nga sa aking lolo. Una, para maview mo ang mga messages ng ilang kababayan beyond sa first page, kailangan mong magregister. Hassle naman.

Pwede naman palang magka-cellphone. K. Di na po aangal. :D

Bukod pa roon, sa akalamo.com, mayroong parang mini-flash animation sa taas na part (yung blue) na nagbibigay ng ilang quick facts na dati ay "Akala mo". Halimbawa:


Fine, fine. Thanks sa info. Mas matalino pala ang baboy kaysa aso. What more pa po koya?


Hindi ako makareact noong una ko 'tong nakita. Pakikiliti nga ako. Wekwekwek.

Anong masasabi mo Koya?

Sa kabuuan ng kulay, sari-saring content, layout, at tema, panalo ang website na ito. Tama rin na hiniwalay niya ang medyo seryoso niyang website, ang mannyvillar.ph, para may sense pa rin ng professionalism ang kampanya ni Sen. Villar sa web. Pero tanong ko lang, wala ka bang napapansin?

Spot the difference, beybeh

Oras na! Roxas na! Mar Roxas for President in 2010 - Blog ni Mr. Palengke
http://marroxas2010.blogspot.com/


Nice, May Website Pala to! Anong Meron?

Sa unang tingin, halata namang hindi pakana ni Sen. Roxas ang paggawa ng blog na ito, kundi ng grupong Cebu Bloggers Society na isang society ng mga bloggers sa Cebu. Tulad ng kay Villar, marami ring laman ang site, ngunit hindi tulad kay Villar, wala kang libreng ringtone. Hehehe.

Paalala lamang, hindi ito ang official na blog ng senador. Meron pang dalawang relevant websites, ito ang official at ito ang Friends of Mar Network. Pero since outrageous sites ang topic natin, hayaan nyo na ako. Sa site na ito, tila pinanindigan ni Mr. Palengke ang kanyang nickname - medyo nagmukhang palengke ang sandamukal na information na nakakalat sa ilalim ng blog (na hindi ko nakuha sa screenshot sa taas). Halos maghang ang kompyuter ko noong niloload ang maraming ads, text, links, widgets, pictures, video embeds, flash animations at kung anu-ano pa. Pero k. Pwede na rin. Mas maayos pa rin naman kaysa sa profile ng 14 year-old chaka sa Friendster.

Sa pag-eexplore ng site, makikita ang Downloads section sa ilalim ng Media Tab. Aba, ano itong nakikita ko? Free wallpapers! Pero in this case nga lang, wala kang choice kundi mga wallpapers na may mukha ni Sen. Mar Roxas, na medyo nakadidismaya, kasi alam naman nating lahat na gusto natin ng wallpapers to brighten-up our day kapag nagkokompyuter. Imaginin mo na lang. Bad trip ka isang araw, then para mawala ang stress mo, bubuksan mo ang laptop. Tapos bubulaga sa iyo ang mukha ni Mar. Watta day, pare. *tapik sa likod*

Ito ang bubulaga sa iyo.

That aside, maraming balita at opinyon kang makukuha sa site. Nakakatuwa ang ilan sa mga post, tulad ng "Mar Loves Korina, so What?" at ang "Long Road to Malacanang for Mar". Pwede mo itong matrack sa Facebook, Twitter, at iba pang social networking sites. Makikita mo talaga ang boses ng mga supporters ng senador.

Willie about to say "pwet".

At dahil sa mga malalamang posts na ito, kasama na rin ang mga bills sa Senado na naipasa ni Roxas at moar good things, marami nang nagather na awards at nominations ang nasabing blog.

Sana meron din ako nito. Ulul.
Ok na sana, kaya lang...

Medyo assuming ang blog na 'to. Para sa akin, though maimpluwensya ang ilan sa mga posts, hindi naman tama na iproclaim mong presidente si Sen. Roxas ngayong wala pang election. Ang alat nun e.

Wat?

At tulad nga ng sabi ko kanina, magulo ang website. It could really use a good layout, and bawasan sana yung mga ads, lalo na yung isa na nag-aadvertise ng La Paz Batchoy. Sa content naman, hindi ko alam kung bakit kailangan pang magdedicate ng isang sections sa Media -> MarRoxasTV para sa mga spoof ng "Padyak" commercial. Medyo na-ooff purpose ang website bilang pagpapakilala kay Mar, at bukod doon, nawawala yung sense ng isang professionally-constructed website (on my POV bilang MIS major) na kapag tiningnan ng iba, ididismiss agad dahil sa mukha itong patapon. Hmm.

At nasabi ko na ba na ang mouse pointer mo ay magiging Mar Roxas sa non-linked spaces? lol.

Minimar. Uhuh.

Anong masasabi mo Koya?

Fairly balanced naman, kahit paano. May features na ok, mayroon rin namang basura.

Para sa akin, may meaning rin naman ang blog na ito. Part ito ng malawakang PR campaign ng senador na nagpapakilala sa kanya bilang taong makamasa. Yun nga lang... sobrang makamasa. Hindi malilimutan ang kanyang Padyak commercial, PDA kasama si Korina, at pagiging palengke ng kanyang mismong pananalita. Pero matalino rin naman si Senator Mar, at may mga nagmamahal sa kanya, tulad ng Cebu Bloggers Society. Pero wala ka bang napapansin?

Spot the difference, beybeh

at mula sa marroxas.com message boards:


[R-18] Jamby Madrigal for President in 2010 - Porn Blogsite ni Sen. Jamby Madrigal
http://jamby2010.blogspot.com/


Nice, May Website Pala to! Anong Meron?


Mwahaha. Natuwa ako, actually, dahil may effort naman pala ang mga supporters ni Sen. Jamby na magreach-out sa net generation. Kahit itinuturing ng marami na joketime ang pagtakbo ng senadora, at least mayroon kang pagkakataon para pakinggan ang kanyang mga plataporma sa gitna ng mga nagsasabing "wag ka na". Oha.

Medyo nagulat ako nong nalamang matagal na pala itong blogsite na ito - 2006 pa dated ang unang entry. Sa paggamit ng language, makikitang isang supporter ang gumawa ng website.
"Our GREAT SENATOR JAMBY MADRIGAL IS RUNNING FOR PRESIDENT!"

- excerpt from a post
Hindi ko alam kung may sa-Russian ang may-ari ng blog, pero apparently, close sila ni Sen. Jajajajamby.

Largely text-based ang website, featuring substantial news items at statements mula sa mga kampanya ng senadora. Mayroon ring magandang blogroll sa gilid kung saan makikita ang mga links papunta sa mga blog ng iba't ibang kilalang personalidad (na hindi naman sila ang gumawa). Organized ang blog, at kung information ang hanap mo, winner to. Meron ka pang link sa "official website of President Joseph Ejercito Estrada." Try mo.

Bukod pa 'ron, matapang rin ang blog lalo na sa ating cellphone-provider bespren na si Sen. Villar. Marami ang nasabi versus sa Senador, na apparently, ay corrupt at 'di maasahan. Hmm. Ok naman, dahil sa pagsasalaysay ng website, kailangan naman din nating maging mapanuri at huwag mabulag sa biyaya ng cellphone.

Ok na sana, kaya lang...

Naaalala mo ba yung nabanggit sa Mga Akala tips ni Sen. Villar? Ayon sa isang tip, 80% ng impormasyon sa Internet ay walang iba kundi porn. Apparently, may contribution ang blogsite na ito para mabuo ang 80% na iyon.

Sa isang article kung saan dinidiscuss ng blogger ang pagkakasangkot ni DJ Mo Twister sa pagkalat ng pornography sa bansa, naka-attach ang tatlong pictures ng isang hubad na Maui Taylor. Aniya, may kinalaman si DJ Mo sa pagpapakalat ng mga pictures na ito, na naunang sinisi kay Brian Revilla, anak ni Sen. Bong. Pero hindi ko pa rin maexplain kung bakit kailangan pang ipost ito sa isang campaign & opinion blog, na lalong magsasapublic ng mga pics na ito? Wow. Hindi nakakatuwa (kahit pa ito'y porn); rather, nakakaoffend.

Necessary? Ako lang ang nag-censor nito. Uncensored ito sa mismong site.

Aside sa occassional deviations sa pulitika - gaya ng isang video ng kung paano mag-luto ng Peking duck - itong part na ito ng blog ang medyo wala talaga sa lugar. Kung ako ang babae na nabastos dahil sa pagkalat ng aking mga litratong hubad sa Web, hindi ba dagdag na kahihiyan sa akin na ang supporters ng senadorang "nais tumulong" sa akin ay nagkakalat rin nito? Isip, kaibigan, isip.

Anong masasabi mo Koya?

Not for kids. Not for kids. Not for kids. Nasayang ang magandang collection ng opinion at news items ng blog sa matinding bahid ng porn at bias sa site, na nadistribute na sa humigit-kumulang 30,000 unique viewers ng blog. Mabuti pa puntahan mo na lang ang website ni erap na nakalink sa baba, kakantahan ka pa ng dating Presidente.


(At dahil hindi ko ma-embed ang kanta mula sa site, bisitahin na lamang ang http://erap.ph/ at pumunta sa "Erap Songs" tab. Enjoy!)





No comments:

Post a Comment